Notification on User Privacy Policy
Abiso tungkol sa patakaran sa privacy ng user
A. Pangongolekta ng Personal na Datos
PANGONGOLEKTA NG PERSONAL NA DATOS
Ang “Personal na Datos” ay tumutukoy sa impormasyon tungkol sa iyo kung saan ikaw ay makikilala, kabilang ngunit hindi limitado sa iyong pangalan, numero ng identification na inisyu ng pamahalaan, numero ng birth certificate, numero ng pasaporte, nasyonalidad, address, numero ng telepono, numero ng fax, detalye ng bangko, detalye ng pagbabayad, lahi, kasarian, petsa ng kapanganakan, katayuang sibil, katayuan ng paninirahan, edukasyonal na background, pinansyal na background, personal na interes, email address, trabaho, datos ng lokasyon, mga application form o iba pang katulad na form, at/o anumang impormasyon tungkol sa iyo na kinokolekta o maaaring kolektahin, iimbak, gamitin, at iproseso ng bTaskee paminsan-minsan. Kabilang din dito ang sensitibong personal na impormasyon, gaya ng datos tungkol sa kalusugan, relihiyon, pilosopikal o pampulitikang paniniwala o kaugnayan, mga identifier na inisyu ng pamahalaan, at mga rekord ng kasong kriminal (gaya ng NBI clearance).
Boluntaryo ang pagbibigay ng iyong Personal na Datos. Gayunpaman, kung hindi mo ibibigay ang Personal na Datos na kinakailangan upang maibigay ang aming mga serbisyo, maaaring hindi maibigay ng bTaskee ang mga serbisyong iyon sa iyo.
Kung ikaw ay isang service partner (“Tasker”), ahente, vendor, supplier, o service provider, kinakailangan ang pagbibigay ng ilang Personal na Datos. Kapag hindi mo ito ibinigay, maaaring hindi ka makuha ng bTaskee bilang partner, hindi ka mapahintulutang magbigay ng serbisyo sa pamamagitan ng bTaskee platform, o hindi maproseso ang mga bayad para sa mga serbisyong ibinigay mo.
Sa paggamit ng mga serbisyo ng bTaskee o ng mga partner nito (kabilang ang lahat ng website na pinapatakbo ng bTaskee sa ilalim ng kani-kanilang brand name), maaari ring makolekta ang iyong Personal na Datos mula sa cookies na ginagamit sa Website.
B. Layunin at Saklaw ng Paggamit ng Impormasyon
C. Sino ang Maaaring Mag-access ng Impormasyon
D. Iba Pang mga Patakaran